Friday, February 13, 2009

LP#5: Mighty Bond

Written: February 12, 2009 @ 6:30PM
By: Benj Medina III

Ikay muling nakasama
Tayo'y magkatabi
Di muli makaimik
Ako ay nanahimik
Ngunit pag ikaw ay kasama
Oh giliw ako'y napakasaya

At nang mahawakan ang iyong kamay
Sana'y may mighty bond ang aking palad
Para di na mahiwalay sa iyong kamay
Dahil ika'y gusto laging makasama
Kahit saan magpunta
At ikaw ang makapiling habang-buhay

Kahit anong oras ika'y nasaisip
At kapag ako'y tulog ikaw ang nasa panaginip
Pangalan mo'y laging nababangit
Di maintindihan kung bakit

Bigla-biglang napapangiti
Nagmumukhang baliw
Sa tuwing ikaw ay naalala

At nang mahawakan ang iyong kamay
Sana'y may mighty bond ang aking palad
Para di na mahiwalay sa iyong kamay
Dahil ika'y gusto laging makasama
Kahit saan magpunta
At ikaw ang makapiling habang-buhay

Ngunit hanggang kaibigan lang ang iyong maiibibigay
Masakit man para sa akin
Kung anong gusto mo'y dapat respetuhin

Kung may mighty bond sana ang palad ko
Ngayon ay naririto ka sa aking tabi
Magkahawak-kamay buong araw at gabi

No comments:

Followers