Friday, February 27, 2009

PP#4: Saglit

Written: Thursday, February 26, 2009
By: Benj Medina III

Isang umaga sa inyong iskwela
Tayo'y muling nagkita
Ngunit di nagkausap
Dahil ika'y sobrang abala sa iyong ginagawa

Ngunit may isang pagkakataon
Tayo ang naging gitna ng atensyon
At gusto nilang ika'y aking abutan ng bulaklak

Noong una ay di makapaniwala
Walang nagawa kung hindi tumawa
Habang ikaw ay kaharap ko

Ngunit aking ibinigay ang kanilang gusto
At sa loob ng isang minuto
Tayo'y muling nagkangitian
Ito'y di ko makakalimutan

Nangyari na ang aking inaasam
At iyon ang muli kang makita
At ika'y makasama kahit saglit lang

Oh anong saya
Muling napapangiti tuwing naaalala
Ang mga nangyari kaninang umaga
Sa sandali na tayo'y nagkasama

No comments:

Followers