Thursday, December 11, 2008

RTP#5: A Tagalog Post

Tungkol ito sa ilang bagay na kinaiinisan ko
Dahil hindi naman talaga dapat ganito
Pero madalas pa ring nangyayari ito

Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa

Ito ay tungkol sa mga madalas na reaksyon
Pagkatapos maghiwalay ng dalawang magkarelasyon

Madalas ay hindi nila alam kung paano na mabuhay pa
Kung hindi na nila makakapiling ang minahal nila

Naisip ko lang
Teka simula ba pagkabata niyo kayo na?
At hindi mo magawang mabuhay ng wala siya?

Iyon ang pinupunto ko dito

Oo, may pinagsamahan kayo
Maaring matagal
Maari ding hindi

Ngunit dapat handa ka sa mga bagay na ganito
Sapagkat pinasok mo ito

Isa pa ay sa tuwing may magkarelasyon
Na araw-araw na lang na nag-aaway

Sabi nila mas tumitibay daw ang pagmamahalan sa ganoong paraan
Para sa akin ay isa itong senyales na dapat kayo ay maghiwalay na

Isipin mong mabuti
Hindi pa kayo kasal
At nakatira sa loob ng isang bahay
Ay ganyan na kayo

Paano pa kaya pag kayo ay naikasal na
At araw-araw maari ay panay awayan pa din kayo

At ang panghuli (sa ngayon)

Ay tungkol sa pagkontrol ng isang tao sa karelasyon nito

Na kung minsan (kadalasan ang lalaki)
Ay ang nagdidikta ng kung ano ang dapat gawin ng babae
Ano ang dapat isuot, kainin
Ano ang bawal

Parang tinatangalan ng karapatan ang babae na mag desisyon
Para sa sarili nitong kapakanan

Si babae naman bilang mas maiintindihin
Ay panay naman ang sunod kay lalake
Kahit parang naabuso na ito
Ay ibibigay pa rin ang lahat

At minsan kahit sa maliliit na bagay na lang
At sobrang daling solusyunan
Common sense na nga lng
Ay magtatanong pa sa iba kung paano gagawin
At nagmumukhang mangmang ang babae

Dahil masyado ng nakaasa sa ididikta ng karelasyon
Hindi na nagagawang mag-isip ng solusyon

Bago pa dumating sa puntong ganito
Mabuting tapusin niyo na ito

No comments:

Followers